Ang unang taglish blog post ko. BOW! Trip trip lang. Inaasam ko na sana kasing galing kong sumulat si Bob Ong. O baka excuse ko lang ito kasi wala sa mood ang utak ko na mag-Ingles ng tuloy tuloy. Kung anuman yun, wala nang pakialamanan, walang basagan ng trip basta taglish ito.
Naisip ko nalang bigla, bakit kaya ang dami paring tao ang nahihilig sa pagsusulat, mapaonline o gamit ang ballpen at papel. Sabagay, at least ang pagsusulat may kabuua, minsan ang tao wala! Sadyang magulo lang. May simula, gitna at dulo. Walang labis, walang kulang. May kahulugan, may nilalaman, may pinaghuhugutan - minsan marami, minsan iisa lang. Depende kung sino ang nagsusulat at depende kung sino ang nagbabasa. Naisip ko dahil sa pagiging OC ko minsan o lagi, natutuwa kasi ako kahit sa mga letra o salitang ginagamit ko kailangan ganito, kailangan ganyan. Gusto ko kasi may order, para mas magandang tignan. Na kahit papaano walang magulo. Naalala ko lang nung nagsisimula akong magsulat (dating dati pa) na puro tuldok lang ang alam ko, na tuldok lang ang dulo ng kada sentence. Ngayong matanda na ako, mula sa tuldok puro question mark nalang ang kinaduduluhan ng lahat. (Alam ko maraming sumasangayon sa akin tungkol dito, diba?!) Wala na ngang katapusan, wala pang kasiguruhang kasagutan. Parang mas mahirap, mas kumplikado, at magulo.
Siguro.....yung magulong bagay na iyan may pinanggagalingan. Ikaw? Ano sa tingin mo?? Simple lang naman ang lahat ng bagay eh, kailangan pang pakumplikahin. May mga bagay lang talaga sa buhay na sadyang nagyayare. Ang mga pangyayari o sitwasyon na inaakala natin ay nagaganap lang sa mga nababasa natin sa dyaryo o napapanuod sa TV ay maaari pala mangyari sa totoong buhay. Nakakagulat. Di kapanipaniwala pero TOTOO. Lahat nalang may rason, may dahilan. Nature, nurture sabi nga nila. Nasa paligid lang din naman daw ang solusyon. Parepareho lang yang mga experiences! Isa itong aral na hindi dapat ipagwalang bahala. Sa mga ganitong sitwasyon alam natin na lahat tayo ay naging biktima. BIKTIMA NG PAGKAKATAON.
Simple lang ang mga sagot. Gusto lang natin i-stress ang ating utak at magpakabusy para mabigyan ng dahilan ang lahat ng tanong sa isipan natin. Ika nga nila, yan ang DEFENSE MECHANISM ng tao. Ang saya lang eh noh!! Katulad nga ng nabasa ko sa twitter, "Same shit, Different day!" Ang lungkot no?? Kaya siguro dahil dyan, paikot ikot lang ang buhay ng tao. We go around circles repeating the same freakin' cycle over and over again. It's the run and chase game. Buti pa sa pagsusulat, you're free to express your feeling. Minsan madaming nakakarelate sa nararamdaman mo. Alam mong di ka nagiisa sa nararanasan mo, marami kang kadamay. Sarap ng ganun noh? At least yung mga salita alam nila kung saan sila titigil. Syempre, walang iba kundi dun oh, sa tuldok....tuldok....tuldok....
Pero, minsan sa dinami dami ng tuldok sa buhay mo, yung tipong kahit ilang beses ka na nagpaikot ikot sa buhay mo, thinking that somehow besides the feeling of exhaustion.....you learn something and you understand how to handle things better, eh hindi mo parin alam ang gusto mo. Ang gulo ko eh!! Hahaha Eh, paano nga ba malalaman kung ano ba ang taenang gusto mo?? Kasi, kahit ako sa sarili ko naguguluhan ako!! Pasensya ah! Ang gulo kong kausap! Haha! :P Anyway, that's why I came here for. I'm not so sure where this entry is leading to. There are too many floating bubbles in my head waiting to be pop in my head. I've written sooo much. I can't believe so much has already happened. Life changes too fast before our eyes we barely even notice it. Still, I am lot more thankful for my blessings!! Ngitian lang ang buhay!! FIGHTING!! :))
No comments:
Post a Comment